Kung hindi ngayon, kailan ka pa mag-iinvest?

 Isa sa pinaka-paboritong linya ng mga pinoy pagdating sa pag-iinvest ay ang “Saka na lang”.

Estudyante: “Saka na lang…Kapag nakatapos na ako ng pag-aaral.”

Binata/Dalaga: “Saka na lang…Kapag may asawa’t anak na ako.”

May Asawa: “Saka na lang…Kapag naka-graduate na lahat ng mga anak ko.”

Empleyado: “Saka na lang…Kapag tumaas na ang sweldo ko.”

OFW: “Saka na lang…Kapag marami na akong ipon.”

Alam mo ba na ang “Saka na lang…” ay mas madalas na nagiging “Hindi na lang…” ika nga sa kasabihan: “Do it NOW!..Sometimes ‘LATER’ becomes "NEVER’.”

Ang pagpapaliban natin ng isang bagay na maaari namang gawin agad-agad ay mas madalas na hindi na natin nagagawa ng tuluyan.

Do you agree?

Isang magandang halimbawa ay ang pag-iipon at pag-iinvest. Tuwing bagong taon, lage nating
sinasabi na this time, mag-iipon na tayo o mag-iinvest, pero dahil sa ugali nating “maniana habit”or “saka na lang”, mas madalas na pinagpapaliban natin ito at nauuwi lamang sa labis na pag-gastos imbes na makapag-ipon o makapag-invest. Kung nais natin ng magandang buhay para sa ating
pamilya, marapat lamang na paghandaannatin ito. Sa Investing, Time is our greatest ally! Kung mas maaga kang mag-iinvest, mas mahaba ang panahon na ilalago ng iyong pera. Kaya naman, huwag ng magpatumpik-tumpik pa! Simulan mo na ngayong mag-invest habang hindi pa huli
ang lahat.Tandaan, Nasa Huli ang Pagsisisi...

No comments:

Post a Comment