AIM HIGH FOR THE FUTURE AND HAPPY CHANGING LIVES. PM HERE FOR FURTHER INFO.. —

OFW'S kung pangarap mo ay magandang kinabukasan AIM GLOBAL ay inyong subukan,matatag,mapagkatiwalaan, maasahan at maganda ang kitaan,,

OFW, Iyan ang kadalasang naririnig natin sa radio man o telebisyon sa mga balitang napapanuod o nababasa sa mga dyaryo at sa mga taong nakakasalamuha natin. Pero ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng OFW?

Overseas Filipino Workers ang tawag sa karamihan ng mga kababayan natin nais mangibang bansa o makipagsapalaran sa kung anong trabaho ang naghihintay sa kanila. OCW ang dating tawag sa kanila o Overseas Contractual Workers sapagkat hindi permanente ang aabutan nilang trabaho sa ibang bansa kung hindi ay isang kontrata lamang na pinirmihan na kalimitan dalawa o hanggang tatlong taon ang dapat bunuin matapos ay puwede ulit pumirma ng bagong kontrata para makapag-trabaho.

Bakit nga ba marami sa ating mga Filipino ang may kagustuhang makalabas ng bansa? Simple lang ang kasagutan, para kumita ng mas malaki kaysa sa kasalukuyang kinikita dito.

Ang pinaka nangungunang dahilan ng mga OFW sa pagkakaroon ng malaking sahod ay ang makapag-pundar ng bahay at lupa para sa kanilang pamilya. Sino nga ba sa atin ang hindi gugustuhin na magkaroon ng sariling ari-arian? Para sa hinaharap ay may maipagmamalaking “sa atin ito”.

Kayod kalabaw ang karamihan sa mga manggagawang Pinoy saan man sa mundo, upang makapag-ipon ng malaki at maipadala sa pamilyang naghihintay sa bansang sinilangan. Kahit sobra na ang pangungulila sa pamilya, binabalewala na lamang ito at itinutuon ang atensyon sa pagtatarabaho. Hindi madali ang maging OFW. Dahil mag-isa kang haharapin ang buhay sa ibang bansa, walang ibang kikilos para sayo kung hindi ang sarili mo. Mula sa paghahanda ng damit na isususot para sa trabaho, pagkain at kung ano-ano pa na ‘di mo maaaring iasa sa iba. Matututuhan mong maging independent sa mga ganitong pagkakataon. Nagtitiis ang iba na hindi bumili ng mga nagmamahalang gamit o di kaya’y nililimitahan ang pagkain nang sa gayon ay malaki ang matipid sa pang araw-araw na pamumuhay doon. Ang ilan naman ay paunti-unting nag iipon ng mga maipapadalang gamit o kung ano mang mabili sa bawat araw ng sahod para sa balikbayan box na ipapadala sa Pilipinas. Siyempre hindi mawawala sa pasalubong ang paborito ng lahat, ang tsokolate na galing abroad.

Subalit hindi sa lahat ng nag-aasam ng magandang buhay bilang isang OFW ay maganda ang kinahahantungan. Mayroong hindi kinakaya ang hirap ng trabaho at tinatapos na lamang ang kontrata at uuwi na sa ating bansa. May mga balita naman na ang iba ang inaabuso o minamaltrato ng mga employers kaya hindi rin sila nagtatagal sa trabaho at mayroon pang tumatakas para masagip lamang ang kanilang mga buhay. Mayroong hindi tama ang pagpapasahod at hindi naibibigay ang mga karampatang benepisyo tulad ng kung ano ang nakasaad sa napagkasunduang kontrata. Iilan lamang yan sa mga rason kung bakit ang ibang Pinoy ay umuuwing luhaan pabalik ng Pinas dahil sa hindi magandang karanasan sa dayuhang bansa.

Sa kabilang banda naman, marami pa rin sa mga OFW ay tila naka-jackpot sa pangingibang bansa. Mayroon na pinagpapala ng Diyos dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ay maaaring na-promote at naging boss na mula sa pagiging isang ordinaryong empleyado. Dahil dito, may pagkakataon sila na makuha ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas, maisama at doon na manirahan. May iba na sa ganda ng benepisyong tinatamasa ay nakakapag-bakasyon sa ibang bansa at kasama pa ang kanilang pamilya. Nakakapag-pundar din ng iba’t ibang negosyo at ari-arian ang ibang Filipino sa ganda ng numero ng kanilang kinikita. Mayroong malalaking bahay na may magagandang kasangkapan at magagarbong sasakyan. Ang mga anak ay nakapag-aaral sa mga pribadong paaralan. Nakakatulong din sila sa mga kamag-anakan na nais tumulad sa kanila balang araw, sa paraan ng pagpapaaral sa kanila o pagbibigay ng magandang panimula, sa pagkakaroon ng simpleng mapagkakakitaan o kabuhayan.

Sa mga nagdaang taon, ilang libong OFW na rin ang nagtatrabaho at nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay sa ibang bansa. Ibang bansa na tumutulong sa kanila para mabuhay ng marangal at makatulong sa mga dayuhang manggagawa tulad nila. Sa ngayon, marami pa rin ang nangangarap na pagdating ng tamang panahon nagbabasakaling makasakay ng eroplano na makakarating sa bansang nais nilang puntahan para makapagtrabaho. Umaasang makakamit ang inaasam na kaginhawaan sa buhay para sa sarili at sa pamilya.

Hindi masamang mangarap, kung tutuusin, sabi nga ng iba, libre ito at sino man ay puwedeng mangarap. Pangarap na para sa ikabubuti ng lahat. Ang pagiging OFW ay hindi madali, kapalit ng isang malaking sahod at magandang buhay para sa pamilya sa Pinas ay ang paglayo sa bansa at makisalamuha sa mga banyaga at doon mag-hanapbuhay.
kung nag OFW ka para kumita ng malaki..try mo rin makipagsapalaran ,OFW- OPPORTUNITY for FILIPINOS WORLDWIDE-dito lang sa ALLIANCE IN MOTION GLOBAL..

AIM HIGH FOR THE FUTURE AND HAPPY CHANGING LIVES.
PM HERE FOR FURTHER INFO.. —

No comments:

Post a Comment